Mga Public Health Unit
Ang mga Public Health Unit sa bawat komunidad sa VCH ay nagbibigay ng mga serbisyo at mga interbensyon upang maitaguyod at maprotektahan ang kalusugan ng populasyon.
Mga Public Health Unit
Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga serbisyo sa bawat Public Health Unit:
- Pagkontrol sa Nakakahawang Sakit: Nagbibigay ng klinikal na suporta, resources, at edukasyon para maiwasan at makontrol ang mga nakakahawang sakit, kabilang ang pamamahala ng kaso, kontak, at pagkalat ng sakit para sa mga sakit na maiiwasan kapag may bakuna, mga viral na respiratory infection, mga impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik, at mga impeksyong naipapasa sa pamamagitan ng kontaminadong dugo.
- Dental Public Health Children's Program: Mga serbisyo ng hygienist, kabilang ang dental screening, impormasyon sa kalusugan ng ngipin at bibig, paglalagay ng fluoride varnish, at mga referral para sa pangangalaga sa ngipin.
- Mga Serbisyo sa Pandinig (Audiology): Screening sa pandinig para sa mga bagong panganak na sanggol, mga maliliit na bata at kabataan, pagbibigay ng diyagnosis para sa pagkabingi, at hearing aid fitting para sa mga batang 0 hanggang 19 na taong gulang.
- Mga Klinika para sa Pagbabakuna: Nag-aalok ang mga Immunization Clinic ng mga inirekomendang bakuna para sa mga sanggol, mga batang pumapasok sa paaralan at mga nasa hustong gulang na may medikal na kondisyon at mga kumplikadong pangangailangan ng pagbabakuna. Sa oras ng appointment sa klinika, maaari ring makatanggap ng suporta ang mga magulang at tagapangalaga kasama ang iba pang impormasyon sa kalusugan para sa mga bata tulad ng mga pangkalahatang assessment ng kalusugan at development, impormasyon sa kalusugan, edukasyon at mga referral.
- Nutrisyon (Public Health Dietitian Services): Ang mga dietitian ay nagbibigay ng impormasyon at suporta tungkol sa pagkain at nutrisyon sa pamamagitan ng mga konsultasyon, sa mga klinika, at pagtataguyod ng kalusugan.
- Pediatric Nursing Support Services: Mga serbisyo at pangangalaga para sa mga batang may mga pangmatagalang problema sa kalusugan, mga medikal na komplikasyon, at special needs.
- Prenatal at Early Years Program: Screening, edukasyon, at suporta, kabilang ang mga referral, kapag kinakailangan. Sinusuri din ng mga Public Health Nurse (PHN) ang kalusugan at pag-unlad ng mga ina at bagong panganak na sanggol, at nagbibigay ng edukasyon at patuloy na suporta sa mga unang taon ng pagkabata (early childhood) kapag kinakailangan.
- Mga Serbisyo sa Pananalita at Wika: Ebalwasyon at diyagnosis ng mga problema sa pananalita at suporta para sa mga residente ng VCH mula kapanganakan hanggang maging kwalipikadong pumasok sa Kindergarten.
- Paningin: Pampublikong edukasyon at mga referral para sa optometry.
- Kabataan at Sekswal na Kalusugan (Youth Clinic): Edukasyon sa kalusugan, counselling, pagbibigay ng contraception at emergency contraception, diyagnosis ng pagbubuntis at counselling tungkol sa mga opsyon, pagpapasuri at pagpapagamot ng mga impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik, mga pagpapabakuna, at mga referral.
Mga Lokasyon ng mga Public Health Unit
North Shore
Central Community Health Center
132 Esplanade (5th floor), North Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Central Community Health Centre)
(604) 983-6700
Parkgate Community Health Centre
3625 Banff Court, Unit 200, North Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Parkgate Community Health Centre)
(604) 904-6450
West Vancouver Community Health Centre
2121 Marine Drive, West Vancouver, B.C.
(nasa loob ng West Vancouver Community Health Centre)
(604) 904-6200
Richmond
Richmond Public Health Unit
8100 Granville, Richmond, B.C.
(nasa loob ng Richmond Place - 8100 Granville Avenue)
(604) 233-3150
Sea-to-Sky
Pemberton Health Centre
1403 Portage Road, Pemberton, B.C.
(nasa loob ng Pemberton Health Centre)
(604) 894-6939
Squamish Community Health Centre
1140 Hunter Place, Squamish, B.C.
(nasa loob ng Squamish Community Health Centre)
(604) 892-2293
Whistler Health Care Center
4380 Lorimer Road, Whistler, B.C.
(nasa loob ng Whistler Health Care Centre)
(604) 932-3202
Vancouver
Evergreen Community Health Center
3425 Crowley Drive, Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Evergreen Community Health Centre)
(604) 872-2511
Pacific Spirit Community Health Center
2110 West 43rd Avenue, Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Pacific Spirit Community Health Centre)
(604) 261-6366
Raven Song Community Health Center
2450 Ontario Street, Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Raven Song Community Health Centre)
(604) 709-6400
Robert & Lily Lee Family Community Health Centre
1669 East Broadway, Vancouver, B.C.
(nasa loob ng Robert & Lily Lee Family Community Health Centre)
(604) 675-3980
South Community Health Centre
6405 Knight Street, Vancouver, B.C.
(nasa loob ng South Community Health Centre)
(604) 321-6151
Three Bridges Community Health Center
1128 Hornby Street, Vancouver B.C.
(nasa loob ng Three Bridges Community Health Centre)
(604) 331-8900
Linya para sa appointment sa pagbabakuna – (604) 331-8909
Coastal Rural
Bella Coola Public Health Unit
1025 Elcho Street, Bella Coola, B.C.
(nasa loob ng Bella Coola General Hospital)
(250) 799-5722
qathet Public Health Unit
5000 Joyce Avenue (3rd floor), Powell River, B.C.
(nasa loob ng qathet General Hospital)
(604) 485-3310
Gibsons Health Unit
821 Gibsons Way, Gibsons, B.C.
(Gibsons Health Unit)
(604) 984-5070
Sechelt Health Unit
5571 Inlet Avenue, PO Box 1040, Sechelt, B.C.
(Sechelt Health Unit)
(604) 885-5164