Early Childhood Mental Health Services
Related topics: Child and youth mental health and substance use Early years Mental health Mental health and substance use Pregnancy and early childhood Richmond mental health and substance use services
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Ang early childhood mental health services ay naglalaan ng treatment at suporta sa mga pamilyang nag-aalala tungkol sa kakayahan ng kanilang anak na makaya ang emotional, social at behavioural areas ng development.
Ang early childhood mental health programs ay naglalaan ng interdisciplinary behavioural at mental health assessment at treatment services para sa mga bata. Binibigyan namin ng treatment ang mga batang may iba't-ibang behavioural issues, at tinatalakay namin ang mga alalahanin hinggil sa pagmamagulang, tulad ng:
- attachment
- mga alalahanin hinggil sa relasyon ng magulang-bata
- mga agresibong kilos
- separation anxiety
- social anxiety, at marami pang iba
Tingnan ang mga lokasyon para sa eligibility at sa proseso ng referral.
Ano ang maaasahang mangyari
Ang komprehensibong assessment at treatment ay isinasagawa kasama ng pamilya, at hinihingan din ng tulong ang ibang community partners na maaaring nakapanayam ng bata. Ang mga serbisyo ay inilalaan ng isang multi-disciplinary team.
Hanapin ang iyong team
Ang VCH ay naglalaan ng mental health intake para sa mga batang 0 hanggang 5 taong-gulang sa Richmond at Vancouver – tingnan sa ibabâ ang mga detalye tungkol sa mga lokasyon at paano sila i-access.
Kung nakatira ka sa Coast o sa North Shore, may suportang available mula sa Child and Youth Mental Health Intake Clinics; ito'y pinalalakad ng Ministry of Children and Family Development. Ang suportang ispesipiko para sa mga Indigenous na tao ay makukuha rin sa pamamagitan ng First Nations Health Authority o ng local First Nation sa loob ng komunidad.