Kailangan mo ba kaagad ng tulong?

Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.

Suicide hotline: 1-800-784-2433

Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789

Kids Help Phone: 1-800-668-6868

KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717

 

Ang Supporting and Connecting Youth Leadership and Resiliency Program (SACY LRP) ay isang youth leadership at engagement program na nagsisilbi sa late elementary at early secondary school na kabataan sa Vancouver.

Ang programa ay bukás para sa mga kabataang pumapasok sa mga eskwelahan kung saan pinapalakad ang programa; nagbibigay ng priyoridad sa mga kabataang maaaring magbenepisyo mula sa karagdagang koneksyon sa mga kasing-edad, adults, eskwelahan, at sa komunidad.

Ang SACY LRP ay tumutulong sa mga kabataan sa lingguhang resiliency groups, buwanang adventure-based programming, at buwanang community volunteer experiences para suportahan ang makamit ang mga outcome na ito. Ang lahat ng LRP staff ay nagtratrabaho nang sensitibo sa kultura.

Ano ang maaasahang mangyari

Ang LRP ay tumatakbo buong taon at nagfo-focus sa mga pangangailangan at mga kagustuhan ng mga kalahok sa programa.

Ang kabataan sa SACY LRP Program ay lumalahok sa mga aktibidad, kabilang na ang

  • lingguhang resiliency at leadership development groups,
  • buwanang adventure activities at leadership learning, at
  • buwanang community service leadership learning.

Ang lahat ng mga aktibidad na ito ay pinamumunuan ng mahuhusay na youth engagement staff, pero ang mga detalye ay nanggagaling sa kabataan sa isang ispesipikong grupo. Ang mga aktibidad ay nagbibigay sa mga kalahok ng mga regular na pagkakataon para sa positibong adult mentorship, positibong peer engagement, at social emotional learning.

Kontakin si Connie Wong para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LRP program sa Connie.Wong@vch.ca o sa (604) 816-7342.

Mga oportunidad para mag-volunteer sa LRP

Ang mga oportunidad para mag-volunteer ay nagbibigay sa mga kalahok na kabataan ng pagkakataong ipakita kung sila'y makakapamuno habang inilalaan nila ang kanilang panahon at enerhiya sa isang cause na mahalaga sa kanila at/o sa kanilang komunidad.

Batay sa mga interest ng grupo, iba't-ibang mga oportunidad para mag-volunteer ang sinisiyasat habang isinasagawa ang programa.

Ang ilang mga oportunidad para mag-volunteer ay ang:

  • paglahok sa community gardens,
  • trabahong may kinalaman sa rescue animals,
  • pag-host ng community events,
  • paghanda at pag-distribute ng holiday hampers,
  • pagbasa sa mga estudyante sa elementary school,
  • paglahok sa environmental cleanups/awareness campaigns, at
  • paglikha ng isang bagong paraan para mag-give back sa komunidad bilang isang grupo.

lingguhang LRP resiliency groups

Ang mga kalahok ay makikipagpulungan sa mga facilitator bilang isang grupo bawat linggo. Ang mga lingguhang grupo na ito ay kikilos depende sa mga priyoridad ng mga kalahok, sa kanilang eskwelahan, at sa kanilang komunidad.

Ang focus ng mga grupo ay iba't-iba, mula mga aktibidadad, skills, at mga paksa. Ang mga facilitator ay available rin para makipagkita sa mga kalahok nang 1:1 (isahan) sa pagitan ng mga group meeting, kung kinakailangan.

Maaaring kabilang sa mga activity group ang:

  • art projects,
  • photography,
  • workshops,
  • team building,
  • mask making, at
  • drum making.
     

Maaaring kabilang sa skills groups ang:

  • pagsulat ng resume (biodata),
  • pangangalaga sa sarili,
  • pagpaplano para sa panahon pagkatapos ng high school, at
  • pagluluto.
     

Maaaring kabilang sa mga paksa ang:

  • pagtakda ng layunin,
  • alak at/o droga,
  • sekswal na kalusugan, at
  • mga relasyon sa mga kasing-edad, sa pamilya, at mga partner.

LRP monthly adventure activities

Taking risks is an important part of being an adolescent and being active/outside is an important part of being human!

Adventure activities give youth a chance to:

  • explore their environments,
  • discover and grow their leadership capacity,
  • build personal strengths,
  • try healthy risk-taking, and
  • work on goal-setting within a therapeutic and supportive context.

Activities are planned according to the adventurous desires of the participants and may include:

  • camping,
  • outdoor life skills,
  • hiking,
  • skiing/snowboarding/snow tubing/snowshoeing,
  • kayaking/canoeing/paddle boarding,
  • biking/skateboarding,
  • ropes courses, and
  • rock climbing.

LRP alumni

Ikinatutuwa ng LRP ang palakihin ang ating komunidad at marami itong mga oportunidad para makapanatiling konektado ang kabataan kahit natapos na ang programa. Kabilang sa mga oportunidad na ito ang:

  • pag-mentor sa mga bagong LRP na kabataan,
  • special alumni events, at
  • mga oportunidad para sa volunteer references mula sa LRP staff.

Kung ikaw ay LRP alumni, kontakin ang LRP staff ng iyong eskwelahan para makasali sa aming alumni list para sa events at updates.