Youth Home Stabilization Program
Related topics: Child and youth mental health and substance use Children and youth health Mental health and substance use Substance use Vancouver mental health and substance use services Youth substance use services
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Ang Youth Home Stabilization Team ay nakikipagtulungan sa mga kabataan (13 hanggang 24 taong-gulang) na gumagamit ng droga o alak at nais tumigil o magbawas nang husto sa paggamit ng kahit isang substance man lamang.
Ano ang maaasahang mangyari
Sinusuportahan ng team na ito ang mga kabataan at ang kanilang mga pamilya na nasa mga unang linggo ng recovery habang naninirahan sa komunidad.
Para sa suporta sa withdrawal support, ang mga kabataan ay dapat may ligtas na lugar na tirahan, at inirerekomendang magkaroon siya ng support person na tutulong sa kanya sa panahon ng proseso ng withdrawal at pagbabago.
Para sa withdrawal sa malakas na pag-inom ng alak o malakas na paggamit ng benzodiazepine, maaari ring mangailangan ng medically supported in-patient withdrawal management.
Naglalaan ng short term case management (pamamahala sa kaso para sa maikling panahon) at ang layunin nito ay ang makonekta sa mga serbisyo para sa recovery.
Ang Home Stabilization Team ay binubuo ng:
- Team Leader
- Intake Clinicians
- Case Manager/Clinicians
- Youth Outreach Workers
- Indigenous Cultural Worker
- Nurse Practitioners
Ang programang ito ay inaalok sa mga kabataang naninirahan sa Metro Vancouver, at ito’y pinapalakad ng Vancouver Coastal Health.
Paano i-access ang mga serbisyo
Kinakailangan ang referrals at ito'y kinokompleto ng isang community counsellor o health care professional sa tulong ng kliyente. Oras na natanggap ang isang referral, ito'y nirerebyu ng Central Addiction Intake Team (CAIT) Concurrent Disorder Counselors para matiyak kung ito'y kompleto at para masigurado na ang mga kliyente ay mailalagay sa pasilidad na pinakamainam para sa kanilang mga pangangailangan.
I-access ang programang ito sa pamamagitan ng Central Addiction Intake Team (CAIT).