Mga serbisyo

  • Intensive Care Units (ICU)

  • Neonatal Intensive Care Units (NICU)

A young surgeon washing their hands to prepare for surgery

Pinananatiling nasa mabuting kalagayan ang mga pasyente at mga bisita sa ICU

Pangunahing priyoridad ang siguraduhin ang kaligtasan at mabuting kalagayan ng mga pasyente at mga bisita sa aming mga ospital. Makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga tanging pag-iingat at iba pang safety measures sa Intensive Care Unit.

Patient safety in the ICU

Pagbisita sa ICU

Ang mga tao ay hinihikayat na magpunta sa ICU para bisitahin ang mga kaibigan at mga pamilya. Ang mga pasyente ay nangangailangan ng lubos na pangangalaga sa kritikal na panahon na ito, kayo tandaang maging flexible sa iyong mga bisita.

Paghahanda para sa iyong bisita

  • Ang mga bisita sa tabi ng kama ay limitado sa dalawang tao mula sa kapamilya (asawa, kapareha, mga magulang, mga kapatid, mga anak ng pasyente, o táong nagbibigay-suporta).
  • Ang mga mas maikli at mas madalas na bisita ay hinihikayat para sa kabutihan ng pasyente.
  • Mangyaring HUWAG pumasok sa unit nang walang awtorisasyon dahil maaari mong makompromiso ang pangangalaga sa iyong kaibigan, sa kapamilya, o sa ibang mga pasyente.
  • Magtanong sa ospital para malaman kung paano mag-request ng access sa ICU at kung ano ang mga oras ng pagbisita.
  • Mangyaring umalis sa unit kapag pinapaalis ka, at lumayo sa anumang double doors dahil ginagamit ng care teams ang mga exit na ito para ilipat o iurong ang mga pasyente.

 

 

Bisita sa tabi ng kama ng pasyente

Minsan ay mahirap na lugar ang ICU para bisitahin. May iba't-ibang mga tunog, equipment, at teknolohiya. Maaaring may mga patakarang susundin para protektahan ang pasyente, ang mga tauhan, at ang mga bisita. Gayunman, ang iyong pagbisita ay mahalaga at maaaring makahulugan para sa iyo at sa iyong minamahal sa buhay. Matutuwa kaming sagutin ang iyong mga tanong tungkol sa mga makina o mga procedure.

Tandaang alagaan ang iyong kabutihan habang inaalagaan ang iyong minamahal sa buhay. Para pamahalaan ang iyong stress habang ikaw ay bumibisita, basahin ang aming tips para alagaan ang iyong sarili.

Kung ang iyong minamahal sa buhay ay kailangang gumamit ng isang breathing machine, hindi siya makakapagsalita. Maaari mo pa rin siyang kausapin tungkol sa mga pang-araw-araw na pangyayari at mga aktibidad ng pamilya, at panatilihin siyang up-to-date tungkol sa social issues. Magtanong ng mga tanong na masasagot ng oo o hindi, at tulungan siyang mag-point sa mga letra ng alphabet, o tulungan siyang magsulat o gumamit ng communication boards.

Ang paghawak sa kamay o marahang paghaplos ay maaaring labis na makatulong. Basahan ng dyaryo o istorya ang iyong minamahal sa buhay, o magdala ng headphones para mapakinggan niya ang kanyang paboritong music; ito'y magbibigay-ginhawa sa kanya at makakatulong sa kanyang mag-relax at malibang.

Kung ang iyong minamahal sa buhay ay walang malay-tao, maaari nakakarinig at nakakaramdam pa rin siya. Sasabihin sa iyo ng nurse kung ang kondisyon ng iyong minamahal sa buhay ay nangangailangan ng kaunti o walang stimulasyon.

Paano ba ako makakakuha ng updates tungkol sa status ng aking minamahal sa buhay?

Layunin naming pagsikapan na laging magbigay ng impormasyon sa iyo at sa iyong pamilya. Ang aming praktis ay ang makipagkomunika sa isang spokesperson na tutukuyin ng pamilya (tingnan ang blue tab sa ibabâ para sa karagdagang impormasyon). 

Pinagsisikapan ng aming mga doktor na magbigay ng updates at na regular na makipagkita sa iyo kapag matagal na nasa ospital ang iyong minamahal sa buhay. Mangyaring tandaan na dahil sa maraming aktibong medical issues sa aming unit, hindi sila laging makakasagot sa mga takdang panahon.

Tulungan kaming makilala ang iyong kapamilya

Minsan ay nakakasira ng loob kapag ang mga pasyente ay may breathing tubes at hindi sila makapagsalita. Punan ang ‘All About Me’ na poster sa tabi ng kama. Mayroong communication tools na available. Ipaalala sa amin na gamitin ang mga ito!

Pag-alis sa ICU

Kapag ang pasyente ay sapat nang bumuti para ilipat sa isang special care unit, step-down unit, o diretso papunta sa isang ward. Ang ilan sa mga táong nag-alaga sa iyong kapamilya sa ICU (hal., ang surgeon, heart, o lung doctor) ay mag-aalaga rin sa kanya sa ward.  

Ang bawat transfer ay iba-iba at maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa pangangalaga at sa mga panahon ng pagbisita. Maaaring maging stressful ang mga pagbabagong ito at kung maaari ay hinihikayat ka naming mag-tour dito nang maging pamilyar ka sa bagong unit. 

Ano ang maaasahang mangyari

  • Bababâ ang level ng high-tech care.
  • Tataas ang bilang ng mga pasyenteng inaalagan ng isang nurse.
  • Maaaring maging mas involved ang mga kapamilya sa pang-araw-araw na pangangalaga.
  • Ang pasyente ay maaaring may kasamang ibang mga pasyente sa kuwarto, at maaaring mas kaunti ang restriksyon sa pagbisita.
  • Ang magiging focus ng pangangalaga ay ang pag-discharge o paglabas sa ospital.   

Ano ang maaasahan mula sa iyong minamahal sa buhay

Ang iyong minamahal sa buhay ay maaaring makaranas ng pansamantalang side effects ng malubhang sakit, halimbawa:

  • Sobrang kapaguran
  • Nagbagong mood at pattern ng pagtulog
  • Naguguluhan at nabawasan ang kamalayan
  • Pagkawala ng memorya
  • Pagbabago ng itsura

Karagdagang impormasyon tungkol sa topic na ito

Why is my loved one at the ICU?

Equipment at the ICU

Patient safety in the ICU

Isolation precautions

Support when a loved one dies

Well-being tips for caregivers at the hospital

Research in the Vancouver General Hospital ICU