Mensahe mula sa Pinuno ng Board ng VCH
Dr. Penny Ballem
Para sa mahigit sa 29,000 staff at medical staff na nagsisilbi sa 1.25 milyong tao sa buong province, ang mga epekto ng nakaraang tatlong taon ay magtatagal pa para sa karamihan sa atin at hindi ito magtatapos sa pagtanggal ng masks. Idagdag pa rito ang opioid crisis at ang pangangailangang magbigay ng patuloy na suporta sa dumaraming táong may mga paghahamon sa pangkaisipang kalusugan at paggamit ng droga o alak, at pati na rin ang nakakabahalang climate change sa nakikitang wildfires, snowstorms, atmospheric rivers at heat domes; ang workforce ay hindi lamang humarap ng mga paghahamon ngunit nagpakita rin ng napakalakas na determinasyon. Ang mga pangyayari sa nakaraang taon, at gayon din ang pamumuno at kabayanihan na nakita natin sa ating mga kasamahan, ay walang-katulad at kagulat-gulat. Talagang tinutulungan nila tayo na makaahon, at tayo ay inspirado at nagpapasalamat.
Sakop ng Ulat Tungkol sa Epekto sa taóng ito ang ilang highlights ng trabahong ito, at ang lahat nito ay nagsusuporta sa aming pinalawak na strategic framework. Ang bagong Mga Haligi ng VCH ay ang matatag na istruktura na ating batayan para sa ating trabaho sa kinabukasan. Sila'y mahalaga para makamit ang pinakamabuting resulta sa kalusugan para sa diverse na populasyon na sinisilbihan namin sa VCH, at kinakatawan nito ang aming matinding pangako sa:
- Indigenous Cultural Safety: Paghatid sa mga Indigenous na Tao ng pangangalagang ligtas sa kultura, araw-araw, sa anumang paraan
- Equity, Diversity at Inclusion: Pagtaguyod ng pagdarama na ang tao ay bahagi ng lipunan (sense of belonging), kung saan madadala natin ang ating buong sarili sa VCH
- Paglaban sa Rasismo: Paglikha ng isang komunidad kung saan tinatanggal natin ang mga attitude, mga gawi, at mga prosesong nakakaapekto sa mga tao batay sa kanilang lahi o etnisidad
- Kalusugan ng Planeta: Binibigyang-inspirasyon ang mga tao na lumikha, magbalik sa dati, pamahalaan, at konserbahin ang healthy ecosystems
Ang mga kuwento sa ulat na ito ay nagbibigay-buhay sa mga pambihirang táong patuloy na nagtratrabaho sa isang pambihirang panahon. Sa mga maliliit at malalaking paraan, nakakapaghatid kami ng buong continuum ng mga mahusay na serbisyo sa health care, at ang karamihan ay dahil sa aming mga partnership. Sa ngalan ng Lupon ng mga Direktor ay nais kong ipahayag ang aming pagpapahalaga para sa patuloy na suporta ng Ministry of Health, at nais kong pasalamatan ang aming mga partner sa Providence Health Care at ang ibang mga organisasyon na may mga katulad na layunin. Ang kagandahan at kabutihan ang siyang nagbigay-kahulugan sa mga partnership na ito, at kami ay nagpapasalamat.
Nakadarama ako ng pag-asa kapag iniisip ko kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, dahil alam ko na ang ating residents at ang ating mga komunidad ay sama-sama dito, at dahil dito'y gusto nating magsikap nang mas mabuti para sa isa't-isa; para mapanatili nating ligtas at nasa mabuting kalusugan ang isa't-isa. Isang pribilehiyo para sa aming lahat sa Lupon na pagsilbihan ang mga naninirahan sa Vancouver Coastal Health.