Attention Deficit Hyper Activity Disorder (ADHD) Family Education
Related topics: Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) Child and youth mental health and substance use Children and youth health Depression, mood and anxiety Education Mental health and substance use
Ang ADHD family education ay tumutulong sa mga magulang na may mga anak na nadiyagnos ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) nang makapagdibelop sila ng mainam na parenting practices at behavioural management strategies.
Ano ang maaasahang mangyari
Ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) program ay dinisensyo para makatulong na magdibelop ng mga mainam na parenting practices at behavioural management strategies para sa mga magulang na nadiyagnos ng ADHD.
Tinutulungan namin ang mga magulang at kabataan sa pamamagitan ng pagbigay ng:
- mga mabisang istratehiya sa komunikasyon
- mga istratehiya sa behaviour management,
- mga istratehiya sa stress at anger management,
- problem solving at coping skills,
- skills para magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili,
- impormasyon tungkol sa mga gamot,
- mga konsultasyon sa ibang mga propesyonal sa health care, at
- community presentations.
Education sessions
Kabilang sa aming family-based services ang group education sessions para sa mga magulang tungkol sa neurobiology at mga katangian ng ADHD. Nag-aalok din kami ng mga konsultasyon para sa indibidwal/pamilya para sa mga pamilyang naka-enroll sa education sessions.
ADHD Program – Child & Youth Mental Health School-based Hub
Ang school-based workshops ay maaari ring irequest ng mga tauhan ng eskwelahan sa Vancouver.
Kontakin kami
Para sa mga tanong tungkol sa aming programa at mga serbisyong ibinibigay namin, kontakin kami sa adhd@vch.ca.
Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) Program
- Phone: (236) 332-6826