Integrated Child & Youth Team (ICY)
Related topics: Child and youth mental health and substance use Children and youth health Mental health Mental health and substance use Richmond mental health and substance use services Substance use
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Community-based assessment at treatment para sa mga bata at kabataang 6 hanggang 19 taong-gulang na apektado ng banayad hanggang malubhang alalahanin sa pangkaisipang kalusugan. Tumutulong din ang programang ito na i-coordinate ang pangangalaga at mga serbisyo sa ibang community resources.
Ano ang maaasahang mangyari
Ang Integrated Child and Youth (ICY) team ay bahagi ng istratehiya ng B.C. hinggil sa pangangalaga sa pangkaisipang kalusugan at sa paggamit ng droga o alak. Ang team ay naglalaan ng mental health assessment at treatment sa eskwelahan at sa komunidad para sa mga bata at kabataang dumaranas ng mga paghahamon sa pangkaisipang kalusugan at sa paggamit ng droga o alak.
Ang ICY team ay makikipagkita sa mga bata at kabataan kung saan sila komportable, at mag-aalok sila ng office at community-based services bukod pa sa parent groups, after-school groups, at isang outreach social skills program sa mga eskwelahan.
Kami ay isang multi-disciplinary team ng mga psychiatrists, family therapists, social workers, at mental health clinicians na makakatulong sa mga bata at kabataan sa:
- Behavioural issues
- Anxiety, depression
- Early onset ng psychoses at iba pang mga problema sa pangkaisipang kalusugan.
Kabilang sa mga serbisyo ang:
- Konsultasyon
- Individual, group, at family therapy
- Psycho-pharmacological treatment at edukasyon ng magulang.
Makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa ICY teams sa website ng Pamahalaan ng B.C.