Ang RFAST ay isang intensive outreach team para sa mga pamilya kung saan kahit may isang miyembro ng pamilya man lamang ang may malubhang mental illness at/o problema sa paggamit ng droga o alak.

Ano ang maaasahang mangyari

Isinasaalang-alang ng team ang treatment mula sa paningin ng pamilya at ito’y nakikipagtulungan sa lahat ng mga miyembro ng pamilya, basta may isang kapamilya na wala pang 19-taong-gulang at siya’y may banayad o grabeng mental illness at o problema sa paggamit ng droga o alak. Ang team ay binubuo ng isang social worker, nurse, at occupational therapist.

Ang Richmond Family Access Support Team ay naglalaan ng iba’t-ibang outreach-based services tulad ng:

  • Koordinasyon at patuloy na care navigation (pag-unawa sa pangangalaga),
  • advocacy at equity-focused na mga serbisyo
  • recovery at psychosocial rehabilitation.

Paano ito i-access

Mangyaring kontakin ang Richmond Community Mental Health and Substance Use - Central Intake para sa karagdagang impormasyon o para gumawa ng referral.