Kailangan mo ba kaagad ng tulong?

Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.

Suicide hotline: 1-800-784-2433

Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789

Kids Help Phone: 1-800-668-6868

KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717

 

Ang Young Bears Lodge ay isang culturally-based na holistic healing lodge para sa mga Indigenous na kabataang nais magbago pagdating sa paggamit nila ng droga o alak.

Ano ang maaasahang mangyari

Ang Young Bears Lodge ay isang live-in program na may limang lugar para sa mga Indigenous na kabataan, anuman ang kanilang kasarian, 13 hanggang 18 taong-gulang, sa South Vancouver. Depende sa iyong mga pangangailangan at mga layunin, maaaring piliin mong manatili sa programa nang isa hanggang apat na buwan.

Ang mga serbisyo ay dinisenyo para makatulong na mag-focus sa mga pagbabagong nais gawin ng mga indibidwal at suportahan sila habang ginagawa nila ang mga pagbabagong iyon. Ang Lodge ay magbibigay sa kliyente ng isang ligtas at nagbibigay-respetong kapaligiran; ito'y may staff na magbibigay ng suporta at paghihikayat, at may resources na kinakailangan para magawa ang mga mahahalagang pagbabago. 

Resources

Paano i-access ang serbisyong ito

Kinakailangan ang referrals at ito'y kinokompleto ng isang community counsellor o health care professional sa tulong ng kliyente. Oras na natanggap ang isang referral, ito'y nirerebyu ng Central Addiction Intake Team (CAIT) Concurrent Disorder Counselors para matiyak kung ito'y kompleto at para masigurado na ang mga kliyente ay mailalagay sa pasilidad na pinakamainam para sa kanilang mga pangangailangan. 

I-access ang programang ito sa pamamagitan ng Central Addiction​​​ Intake Tea​m (CAIT).