Pag-iingat sa Vancouver General Hospital sa pamamahala ng donated na dugo
Noong Agosto 2022, ang Vancouver General Hospital (VGH) ay siyang naging unang Using Blood Wisely site sa VCH. Ibig sabihin ng designation na ito ay sinalihan ng VGH ang iilang mga ospital sa Canada na kinikilala ng Choosing Wisely Canada at ng Canadian Blood Services para sa kanyang pangakong magkaroon ng responsableng red blood cell stewardship at na patuloy na pahusayin ang kalidad.
Ang designation ng Achieving the Using Blood Wisely ay isang katunayan ng trabaho ng Transfusion Medicine team ng VGH. Ibinuhos nila ang kanilang atensyon sa huling limang taon para i-update ang kanilang red blood cell transfusion program para madagdagan ang kaligtasan ng pasyente habang responsableng pinamamahalaan ang donated blood supply -- isang mahalagang resource na kailangang-kailangan.
Bilang bahagi ng proseso para makuha ang designation ng Using Blood Wisely, kinumpara ng Transfusion Medicine team sa national benchmarks ang pagkakabisa ng inisyatibo. Ipinakita ng mga resulta na ang red blood cell transfusion program ng VGH ay tumutupad at kadalasang humihigit pa sa mga pamantayang ito.
"Pinatutunayan ng designation na ito ang pagkakabisa ng mga inisyatibong dinisenyo at isinagawa namin para mapabuti ang kalidad ng blood transfusion. Ito'y nagbibigay sa amin ng kompiyansa na bilang isang ospital, kami ay nangangakong magkaroon ng naaangkop at responsableng blood transfusion practice."
– Dr. Krista Marcon, Hematopathologist at Using Blood Wisely Physician Champion ng VGH
Ang success ng programa ay resulta ng pagtulong-tulungan ng team effort: ang health care staff at medical staff ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa pamamagitan ng pag-adopt ng updated workflows at practices. Ang Using Blood Wisely designation ng VGH ay simbolo ng kombinasyon ng dedikasyon sa kaligtasan ng pasyente at sa naaangkop na paggamit ng red blood cell transfusions.
Ang red blood cell transfusion program model ng VGH ay gagawin na rin ngayon sa ibang mga ospital ng VCH.