Naghahanap ng mga solusyon para sa environmental impact ng health care
Halos limang porsyento ng kabuuang greenhouse gas emissions ng Canada ay nanggagaling sa health care. Bilang isa sa pinakamalaking health care organizations sa B.C., nalalaman namin na malaki ang aming impact sa kapaligiran.
Nangangako kaming bawasan ang aming impact sa kapaligiran at ibalik ang kalusugan sa ating health care system at sa planeta.
Ang aming darating na trabaho ay makabuluhan, at naaakma sa Ministry of Health Mandate Letter ng B.C. at sa CleanBC Roadmap 2030. Ito'y mangangailangan ng pinagsamang pagsisikap ng lahat ng aming teams at pakikipagtulungan sa mga partner upang i-identify ang mga makabuluhang solusyon at mga makabagong ideya para tulungan tayong matupad ang environmental sustainability at ang climate resilience.
Ang aming priyoridad na trabaho ay magbibigay-diin sa pagtaguyod ng sustainability sa mga ito:
- Climate change: Magkaroon ng isang climate-resilient health system sa pamamagitan ng makahulugan at sustainable na design at pagpapalakad ng pasilidad.
- Energy at carbon: Bawasan ang aming carbon footprint sa pamamagitan ng pagdagdag sa energy efficiency at pagbawas sa paggamit ng fossil fuels.
- Pagkain: Magdibelop ng plant-based at local na food service na nababagay sa kultura at na pantay-pantay, nang itaguyod ang pagkain bilang gamot.
- Materyales: Pumili ng sustainable materials at mga produktong nag-aambag sa kalusugan ng tao at ng kapaligiran, habang iniiwasan ang waste at mga 'di kinakailangang chemicals.
- Tubig: Bawasan ang paggamit ng tubig para bawasan ang demand sa natural resources at bawasan ang impact sa ating living environments.
- Transportasyon: Dagdagan ang access at ang paggamit sa mga alternatibo sa transportasyon na nagbabawas sa negatibong environmental impact at na nagbebenepisyo sa kalusugan at kabutihan ng tao.
2022 highlights/achievements:
- Inilagay ang climate risk at resilience sa pangunahing capital projects, kabilang na ang Richmond Hospital Redevelopment Project.
- Dinisenyo ang VGH Operating Room Renewal para mabawasan namin nang 1,411 tonnes CO2e ang emissions.
- Lumahok sa Nourish Anchor Cohort para dagdagan ang pagkakaroon ng sustainable food para sa staff at sa inpatient food trays, kasama na ang mga tradisyunal na opsyon sa pagkain.
- Ang 36 porsyentong waste diversion sa non-acute care (long-term care home) settings ay dinagdagan at naging 42 porsyento. Binawasan nang halos 13 porsyento ang pangkalahatang waste sa acute care (ospital) settings.
Para malaman kung paano pa namin binabawasan ang aming environmental footprint, magpunta sa GreenCare.