Paglikha ng isang environmentally sustainable at climate-resilient na VCH
Alam mo ba na ang health care system ay malaking contributor sa climate change? Ang ating mga aktibidad sa pagbigay ng pangangalaga ay ang nagdudulot sa limang porsyento ng greenhouse gas emissions sa Canada—'yan ay katumbas ng emissions sa airline industry.
“Kung tayo ay nag-decarbonize sa health care, ito'y magiging katumbas ng pagtanggal ng pagbiyahe sa eroplano." - Dr. Andrea MacNeill, Regional Medical Director of Planetary Health ng VCH.
Kukunin ng VCH ang pagkakataong mamuno sa pagbawas ng epekto ng ating trabaho sa planeta, mula mga personal na kilos tulad ng paggamit ng pampublikong transportasyon o pagbisikleta papunta sa trabaho, hanggang sa mga bagay na gagawin ng buong organisasyon, tulad ng pagbawas ng paggamit ng enerhiya at pagbawas ng greenhouse gas emissions sa lahat ng mga pasilidad ng VCH, at paggamit ng mas maraming reusable na produkto sa ating supply chain.
Ang ating pagtugon para magkaroon ng mainam na planeta ay may dalawang pangunahing layunin: ang environmental sustainability at ang climate resilience. Ang pagsisikap na makamit ang mga layuning ito ay mauuwi sa mas mabuting kalusugan at kabutihan sa mga mas malawak na komunidad na ating sinisilbihan, at sa kabutihan ng buong planeta. Ito ang aming ginagawa para makarating dito.
Pagbabago sa Food Systems para Pahusayin ang Pangangalaga sa Pasyente at ang Kalusugan ng Planeta
Sa Canada, ang emissions na may kinalaman sa pagkain ay bumubuo sa mga sampung porsyento ng health care emissions, at mga 50 porsyento ng pagkaing ibinibigay sa mga pasyente sa ospital ay itinatapon.
Para baguhin ang food systems nang mapahusay ang pangangalaga sa pasyente at ang kalusugan ng planeta, pinag-aaralan ng VCH ang food-related emissions at waste, kasama na ang kasiyahan ng pasyente, ang nutritional status, mga klinikal na resulta, at ang paggamit ng pagkain bilang isang therapeutic intervention.
Halos kalahati ng pagkaing ibinibigay sa pasyente ay itinatapon; pinupuno nito ang ating landfills at aksaya ito ng pera. Gusto itong tingnan ni Dr. Eileen Wong, gamit ang perspektibo ng residents na nasa pangmatagalang pangangalaga (long-term care). Natuklasan ni Eileen na ang karamihan sa nasasayang na pagkain ay dahil ayaw ng residents ang lasa, temperatura, o texture ng pagkain. Si Eileen at ang kanyang team ay nagtulungan para matugunan ang mga isyu na ito, at gumawa sila ng ilang mga simpleng pagbabago, tulad ng pagbawas sa dami ng pagkain habang pinapanatili pa rin ang calories na kinakailangan. Ang nasasayang na pagkain mula sa mga kalahok na residents ay nangalahati.
Ang ideya ng pagkain bilang gamot ay nanggagaling sa pag-unawa na ang mahusay na nutrisyon ay makakapagbigay ng proteksyon sa ating pangkalahatang kalusugan. Si Dr. Annie Lalande, isang fourth-year UBC general surgery resident, ay nakikipagtulungan sa isang team sa Vancouver General Hospital para pag-aralan kung paano magagamit ang pagkain bilang isang therapeutic intervention. Nais magdibelop ng team ng mga bagong menu para pakainin at gamutin ang mga pasyente, at mga paraan para ibahagi ang mga leksyon na ito sa ibang mga health care na lugar. Para sa susunod na phase ng pag-aaral na ito, ang VCH ay makikipag-partner kay Ned Bell, ang dating executive chef ng Ocean Wise, para gumawa ng isang planetary health diet para sa inpatients, na mainam para sa kabutihan ng mga tao at ng kapaligiran.
-
10% ng health care emissions ay may kinalaman sa pagkain
-
50% ng pagkaing ibinibigay sa mga pasyente ay itinatapon
Gibsons nurse champions eco-conscious caregiving
Si Emily Doyle, isang Public Health Nurse sa Gibsons Health Unit, ay 12 taon nang nakikipag-usap sa mga tao sa kanyang komunidad tungkol sa kanilang kalusugan. Ang mga táong ito ay may iba't-ibang edad at background. Mas madalas na na niyang naririnig ang paksa ng climate change at sustainability kapag kinakausap niya ang mga pasyente at mga kliyente.
Dahil napapansin ni Emily na umiinit ang planeta, lumalala ang polusyon, ang pandemya, at extreme weather events, at dahil siya'y isang magulang, nahikayat siya tuloy na maging isang tagagawa ng pagbabago (change-maker).
Mula sa pagsuporta sa mga pamilya na umakma sa mga epekto ng climate change na may kinalaman sa weather, hanggang sa pagsagawa ng sustainability practices sa kanyang opisina, si Emily ay may ginawang mga aksyon tulad ng paggamit ng electronic resources sa halip na mag-print sa papel, pag-recycle ng vaccine packaging, at pag-promote ng carpooling, paglalakad, o pagbisikleta papunta sa trabaho. Ang kanyang paniniwala sa sustainability ang nagdala kay Emily sa 2022 Conference ng Public Health Association of B.C. na pinamagatang “Our Planet, Our Health: Creating Well-Being Societies and Making Peace with Nature.”
Sa conference na ito’y naging interesado si Emily sa isang session tungkol sa kahalagahan ng Indigenous na kaalaman at ang pangangailangang mag-integrate ng isang eco-social approach sa public health practice: “Napakaraming matututunan mula sa mga Indigenous na tao pagdating sa pagkakaroon ng relasyon sa ating planeta.”
Bilang resulta ng interes at pagtataguyod ni Emily, ang climate change at sustainability ay laging nasa agenda ng mga meeting sa Sunshine Coast Public Health Nursing para gawing priyoridad ang kabutihan ng planeta at para masuportahan ang frontline staff na kumilos patungo sa isang sustainable na kinabukasan.
Paggamit ng Planetary Health Principles sa Richmond Hospital Redevelopment
Habang naghahanda ang Richmond Hospital redevelopment team para sa phase two construction ng Yurkovich Family Pavilion, ginagamit naman ang planetary health principles sa lahat ng mga aspeto nito.
Eto ang ilang mga lugar kung saan plano naming magkaroon ng epekto na mabuti para sa klima.
Sustainable at climate-resilient na building
- Nilalayong makuha ang LEED (Leadership in Energy and Environmental Design) Gold certification
- Para maging ligtas kung may lindol; itatayo ito nang mas mataas sa flood line
- Low carbon design (may 87% na pagbawas sa emission kumpara sa isang karaniwang bagong ospital)
- Energy efficient at electrified design (100% ay mula sa low carbon electricity at ito'y 100% carbon neutral)
Green-focused clinical spaces
- Built-in virtual health options
- Circular economy/reusables first principles
Aktibo at malinis na transportasyon
- Madaling makakonekta sa pampublikong transportasyon
- Storage para sa bisikleta at lugar para makapag-shower
- Car-share parking at electric vehicle charging stations (ang Richmond Hospital ang siyang may pinakamalaking EV charging installation sa B.C.; may 30 charging stations sa ating parkade)