Tinatanggal ang mga panahon ng paghintay: PUSH days sa Lions Gate Hospital
Ang naging sariling karanasan ng charge nurse na si Sherry Barbosa, nang siya'y may chronic na pananakit sa balikat, ang naging inspirasyon para sa makabagong paraan para bawasan ang panahon ng paghihintay para sa ibang mga pasyente.
Ang Lions Gate Hospital ay mayroon noong backlog ng mga request para sa pain management injections at matagal ang paghintay kahit noong hindi pa nagsisimula ang pandemya ng COVID-19. Habang inoobserbahan niya ang team at mga doktor na nagbibigay ng treatment, napansin niya na kung na-identify sana sa parehong panahon ang mga ispesipikong pasyente na may mga simpleng pangangailangan, maaaring gawing mas mabilis ang proseso.
Si Sherry ay nagdibelop ng sistema para sa paghahanda para sa iniksyon at para sa patient flow, at iminungkahi niya ito sa staff at sa mga doktor sa Medical Imaging. Nagpasiya ang team na magtakda ng isang araw bawat linggo bilang pilot, at nag-focus ito sa mga pasyenteng may unilateral pain management issues sa mga paa't kamay. Ang tawag ni Sherry dito ay ‘PUSH’ day dahil nagtutulak silang ligtas at mabilis na gumamot ng mas maraming pasyente.
Karaniwang nakikipagkita ang team sa 11 hanggang 16 na pasyente bawat araw. 38 pasyente ang na-treat sa unang PUSH day noong Setyembre 16, 2021.
Hanggang 72 pasyente ang na-treat bawat PUSH day, tatlong buwan pagkatapos simulan ang PUSH days.
Sa pamamagitan ng pag-uusap-usap nila bawat umaga tungkol sa ispesipikong assignment para sa bawat tao at tungkol sa malinaw na gagawing plano, na-triple ng team ang bilang ng mga regular na pasyenteng nakikita nila.
Ang goal sa PUSH days ay ang bawasan ang waitlist mula mahigit sa isang taon at gawin itong dalawang buwan; ipinagmamalaki ng team na natanggal nila ang waitlist sa pamamagitan ng pag-treat sa humigit-kumulang sa 20 pasyente sa bawat PUSH day.