Humuhusay ang pangangalaga sa pasyente kapag madaling ma-access ang impormasyon sa pasyente
Noong Nobyembre 2022, ang Vancouver General Hospital (VGH) at campus, kasama ang Joseph and Rosalie Segal and Family Health Centre, Willow Pavilion, at mahigit sa 50 priority clinics, ay lumipat sa isang bagong electronic health records system na tinatawag na CST Cerner.
Ang Clinical and Systems Transformation (CST) ay isang multi-year project na dinisenyo para pahusayin ang kaligtasan, kalidad, at consistency ng pangangalaga sa pasyente sa buong VCH at sa partner organizations nito, ang Providence Health Care at Provincial Health Services Authority, sa pamamagitan ng paggamit sa isang electronic health records system sa halip na gamitin ang paper-based records na kadalasang ginagamit. Ito ang isa sa pinakamalaking health care projects sa kasaysayan ng B.C. at magpapahintulot ito ng napapanahong access sa electronic patient health records sa lahat ng mga pasilidad at mga organisasyon; gagawin nitong mas madali ang matingnan ang records para sa pangangalaga.
Ang training at paghahanda para mag-transisyon patungo sa CST sa VGH ay nangailangan ng lubos na paghahanda at pagpaplano.
Mahigit sa 10,000 staff at medical staff
ang nagkompleto ng online at in-person training, daan-daang bagong workstations on wheels at pansuportang technology devices ang inilabas, at libu-libong patient charts ang inilipat para ihanda sa electronic activation.
Ang pagsasagawa ng VGH ay ang pinakamalaking scope ng anumang CST Cerner activation sa B.C., at kung tutuusin, sa buong North America. Ang ilang mga benepisyo nito para sa mga pasyente ay ang mas mabuting medication safety (ito’y isang integrated approach para masigurado na mas consistent ang pangangalaga), mas mabilis na access sa mga resulta at sa medication therapies, at pagbawas ng aksayang panahon dahil sa paulit-ulit na pagbigay ng impormasyon kapag nangongonsulta o nagpapagawa ng duplicate tests.
Sinalihan ng VGH ang ilang VCH sites na lumipat na sa CST Cerner, kabilang na ang Lions Gate Hospital, Squamish General Hospital, Whistler Health Care Centre at Pemberton Health at Sechelt Hospital, Totem Lodge, Shorncliffe Intermediate Care Home at Sumac Place.