Bagong programa para bawasan ang paghihintay para sa hip at knee surgery
Layunin ng isang bagong programang pinamagatang Hip and Knee ASAP, na dinibelop ng Regional Surgery Program sa VCH, na bawasan ang panahon ng paghihintay ng mga táong nangangailangan ng hip at knee surgery. Ito’y gagawin sa pamamagitan ng pagdirekta sa mga táong hindi nangangailangan ng operasyon, o hindi pa handang magpa-opera, sa ibang mga alternatibo ng pangangalaga.
Hindi lahat ng táong tinukoy na maaaring mangailangan ng hip o knee surgery ay handa, o talagang nangangailangan ng operasyon. Ang program ay lumilikha ng isang bagong workflow na gumagamit ng skills at experience ng Advanced Practice Physiotherapists (APP) kaya't ginagawa nitong mas mabilis ang surgical triage assessment at pinipila nito para sa surgical consult ang mga táong pinaka-nangangailangan ng operasyon at pinakahanda para dito. Ang modelo na ito para sa hip at knee osteoarthritis ay bagong modelo sa B.C. pero ito'y dati nang ginagawa sa Ontario at sa United Kingdom.
Ang mga siruhano ay nagbibigay ng 12-linggong mentorship sa physiotherapists hinggil sa pagiging handa para sa operasyon, kabilang na ang panahon sa operating room, para mas maunawaan nila ang surgical procedures.
Ngayon, sa halip na maghintay nang tatlo hanggang walong buwan para makita ang isang siruhano, ang mga pasyente sa program ay maaaring makipagkita sa isang APP sa loob ng isang buwan.
Ang mga APP ay nagbibigay rin ng mga opsyon at impormasyon sa mga hindi interesadong magpa-opera o hindi naman gaanong nananakit.
Ang mga pasyenteng kandidato para sa operasyon ay binibigyan ng mahalagang impormasyon bago sila mangonsulta para sa operasyon; ito’y nakakatulong sa kanila na magpasiya nang mas mabilis kung ito nga ay ang tamang desisyon para sa kanila. Dahil dito, ang mga táong nakikita ng mga siruhano ay mas may nalalaman sa panahon ng konsultasyon, at nadarama nila na mayroon silang sapat na impormasyon para magbigay ng pirmadong pahintulot para sa operasyon. Nakikita na naming bumubuti ang kalidad ng buhay ng mga kalahok.