Ang mga magulang ng mga pinakamaliit na pasyente sa Richmond Hospital ay makikinabang sa mga bagong koneksyon
Ang pagiging magulang ng isang premature o may sakit na bagong panganak ay napakastressful na karanasan, lalo na kapag ang sanggol ay kailangang ipasok sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) pagkatapos ma-discharge ang magulang. Ang mahiwalay sa sanggol ay nagdaragdag sa anxiety na nararanasan ng mga magulang sa mahirap na panahong ito.
Para mas magkaroon ng koneksyon ang mga pamilya sa kanilang mga premature na sanggol, inanunsyo ng Richmond Hospital ang paglunsad ng kauna-unahang inisyatibo tulad nito sa B.C. Maaari na ngayon mamonitor at virtual na mabisita ng mga magulang ang kanilang premature na sanggol 24 oras bawat araw, pitong araw bawat linggo, gamit ang isang pribado at secure na live-streaming camera. Ang mga camera ay unang ininstala ng NICU ng ospital sa tabi ng mga kama ng sanggol bilang bahagi ng isang pilot project noong Hunyo 2022.
Simula nang inumpisahan ang pilot, virtual na kinonekta ng NICO ang mahigit sa 40 sanggol sa kanilang mga pamilya; nagkaroon ng mahigit sa 2,500 unique visits mula sa buong mundo, kabilang na mula sa Colombia, Pilipinas, at Ireland. Sa isang survey ng mga pamilyang gumamit sa teknolohiya, 100 porsyento ng mga kalahok ang nagsabi na nabawasan nito ang kanilang anxiety at nakatulong ito sa kanila na mag-bond sa kanilang sanggol.
Simula nang inumpisahan ang pilot, virtual na kinonekta ng NICO ang mahigit sa 40 sanggol sa kanilang mga pamilya; nagkaroon ng mahigit sa 2,500 unique visits mula sa buong mundo, kabilang na mula sa Colombia, Pilipinas, at Ireland.
Batay sa positibong feedback mula sa mga pamilya, ang secure camera system ay gagawing permanente sa NICO ng ospital.
Dahil ang karaniwang katagalan ng stay sa NICU ng Richmond Hospital ay dalawang linggo, ito ang magiging alternatibong opsyon para makapag-bond sa kanilang sanggol ang maraming mga pamilyang hindi patuloy na makakapanatili sa tabi ng kanilang sanggol.
Nagsalita tungkol sa inisyatibo si Jill Schulmeister, ang Women’s and Children’s Program Manager sa Richmond Hospital: “Bagama't hindi inaasahan ng isang magulang na umalis sa ospital nang hindi kasama ang kanilang sanggol, nangyayari ito kapag ang mga sanggol ay nangangailangan ng specialized care pagkatapos sila ipanganak. Dahil nakita ng NICU team kung gaano emosyonal na naaapektohan ang mga magulang dahil nahihiwalay sila sa kanilang sanggol, naghanap ang NICU team ng paraan para panatilihing konektado ang mga pamilya at ang mga sanggol, kahit sila'y hindi magkasama sa isang lugar.”
"Bilang isang magulang, nagbigay sa aming pamilya ng malaking ginhawa at katiyakan ang matingnan ang aming mga sanggol habang hindi namin sila katabi. Ako'y lubos na nagpapasalamat na nagkaroon kami ng ganitong opsyon, at na ito ay magiging isang opsyon para sa ibang mga pamilyang may mga premature na sanggol."
– Preethi Krishan, magulang ng kambal na sanggol na inalagaan sa NICU ng Richmond Hospital