Ang mga serbisyo sa wika ay nagbabawas ng mga hadlang para sa mga pasyente
Ang mga hadlang sa wika at kultura ay maaaring maging mapanghamon para sa mga pasyenteng nais kumuha ng health care.
Noong Enero 2022 ay inilunsad ang Langage Services program na ang layunin ay ang bawasan ang mga hadlang para sa mga pasyenteng nag-aaccess at nagna-navigate sa health care system sa pamamagitan ng pag-translate o pagsalin ng impormasyon sa kalusugan sa ibang wika.
Upang mapatnubayan ang development ng programang ito, ang VCH ay nakipagtulungan sa mga partner mula sa mga kapitbahayan, sa S.U.C.C.E.S.S., MOSAIC, Immigrant Services Society of BC, at sa Provincial Health Services Authority para marepaso ang ginagawang translation at interpretation sa ating buong rehiyon. Ang proseso ay nauwi sa standardization ng translation sa buong VCH, at ginawa itong batayan para sa paglikha ng isang VCH interpretation and translation framework.
Ang limang pangunahing nirerequest ng mga pasyente/kliyente na wika sa VCH para sa translation ay: Traditional Chinese, Simplified Chinese, Punjabi, Espanyol, at Vietnamese.
Sa unang taon nito, isinalin ng programa sa ibang mga wika ang mga dokumento tulad ng kung paano at saan kukuha ng emergency o urgent primary care, kung paano humanap ng isang doktor para sa pamilya o ng nurse practitioner, impormasyon tungkol sa pampublikong kalusugan (kabilang ang heat warnings at iba pang health alerts), impormasyon tungkol sa panahon bago at pagkatapos ng operasyon, pangangalaga sa sarili at suporta sa tahanan para sa seniors, at buod ng mga serbisyo sa health care na available sa mga pasyenteng bago pa lamang sa VCH.
Ipinahayag ng initial feedback na nararamdaman ng mga pasyente na sila'y mas may impormasyon kapag sila'y nagpupunta sa mga health care appointment at na mas nauunawaan nila ang resources at mga opsyon sa pangangalaga na available sa kanila. Ang impormasyon sa health care na na-translate o isinalin sa ibang wika ay makakatipid sa panahon at makakabawas ng stress; mapapabuti rin nito ang karanasan ng pasyente.
Sa unang taon ng programa, nakompleto ng Language Services team ang mahigit sa 495 translations sa 11 mga pangunahing wika, kabilang na ang Traditional Chinese, Simplified Chinese, Punjabi, Spanish, Vietnamese, Farsi, Arabic, Korean, Russian, Tagalog, at