Ang mabubuting kapaligiran at ang climate change
Ang mabuting kalusugan ay hindi lamang depende sa health care. Ang environmental at social factors bukod pa sa health care at biology ay lubos na nakakaapekto sa ating kalusugan at kabutihan. Ang VCH Public Health ay nagtratrabaho upang mahadlangan ang sakit sa pamamagitan ng pagbawas sa kung gaano naaapektohan ng factors na ito — na tinatawag na determinants of health— ang kalusugan ng ating mga komunidad.
Noong 2022, nagbuo ng bagong Public Health team na magfofocus sa pisikal at environmental determinants of health. Ang aming Healthy Environments and Climate Change (HECC) team ay nagtratrabaho upang pahusayin ang kondisyon ng kalusugan na may kinalaman sa factors tulad ng climate change, noise at air pollution, community design at marami pang iba, sa pamamagitan ng research, policy input, review, at edukasyon.
Ang team na ito, na binubuo ng isang Medical Health Officer, climate change at health lead, environmental health scientists, planners, Environmental Health Officers, at iba pa, ay nakikipagtulungan sa regional, municipal, at non-governmental partners sa plans, projects at policy proposals, habang tinitingnan ang mga ito gamit ang environmental determinants ng kalusugan at pagiging pantay-pantay.
Ang mahalagang focus ay ang suportahan ang pagsasagawa ng mga rekomendasyon mula sa HealthADAPT project -- isang three-year project na pinopondohan ng Health Canada para itaguyod sa ating rehiyon ang pag-akma ng climate change na nakafocus sa kalusugan.
Noong 2022, ang HECC team ay:
-
Indoor temperature survey
Nakipagtulungan sa City of Vancouver at sa BC Centre for Disease Control (BCCDC) para magsagawa ng indoor temperature survey kapag may mga heat wave.
-
Rekomendasyon para sa air conditioning, air filtration, at mas mababang carbon emissions
Nakipagtulungan sa Lungsod ng Vancouver para magsagawa ng mga bagong rekomendasyon para sa air conditioning, air filtration, at mas mababang carbon emissions para sa bagong medium-large residential buildings.
-
Heat Check-in Support Framework
Gumawa ng isang Heat Check-in Support Framework para sa NGOs na magagamit para sa check-in planning para sa mga táong madaling maapektohan ng sobrang init.
-
Magplano ng paghahanda para sa init, usok, at weather
Sinuportahan ang teams at programs sa pamamagitan ng VCH para magplano ng paghahanda para sa init, usok, at weather sa darating na panahon.
-
Air quality monitoring projects
Namuno o nakipagtulungan sa air quality monitoring projects sa ating buong rehiyon.
Bukod pa rito, ang HECC team:
- Nag-contribute sa:
- Transport 2050 regional transportation plan ng TransLink
- Regional Growth Strategy ng Metro Vancouver (2050)
- Clean Air Plan ng Metro Vancouver
- Climate 2050 ng Metro Vancouver
- Nagbigay ng input sa:
- Climate Emergency Action Plan ng Lungsod ng Vancouver
- Climate Emergency Parking Program ng Lungsod ng Vancouver
- Iminumungkahing expansion ng Metro Vancouver Non-Road Diesel Engine Emission Regulation
- Nagbigay ng feedback sa:
- Climate Preparedness at Adaptation Strategy ng province
- The Northwest Ports Clean Air Strategy