Pagtugon sa reconciliation sa pamamagitan ng katotohanan at training
Patuloy naming pinapabuti ang aming interaksyon sa mga Indigenous na kliyente sa bawat hakbang ng kanilang pangangalaga sa kalusugan.
Ang bawat contact, mula sa unang click online hanggang sa pangangalaga sa pasyente sa loob ng pasilidad, ay nag-aambag sa karanasan ng mga Indigenous na pasyente; dito may malaking tungkulin ang komunikasyon at ang pag-unawa ng staff sa kultura.
Patuloy na itinuturo ng Indigenous Cultural Safety (ICS) team ang ICS Hummingbird education program; ibinibigay ito sa aming staff, medical staff, at frontline workers. Ang Hummingbird program ay ang una sa apat na level ng ICS curriculum, na binubuo ng apat na oras ng online na pag-aaral at anim na oras ng masinsinang in-person training. Noong nakaraang taon, ang ICS team at ang Indigenous Health Research team ay nakipagtulungan sa VGH Emergency Department para tasahan ang pagpapatupad at mga kinalabasan ng Hummingbird program, na ibinigay sa karamihan ng nurses, registration clerks, at allied health professionals. Ipinakita ng mga paunang resulta na bumuti ang pag-unawa, mga attitude, at mga kilos ng aming mga tagapagbigay ng pangangalaga.
Noong 2022, pinalawak namin ang accessibility at mayroon na ngayong online self-study module ng Hummingbird program; dahil dito’y mahigit sa 5,000 empleyado ng VCH ang nakakompleto sa training na ito at patuloy na lumalaki ang bilang na ito. Sa pamamagitan ng ICS training, naniniwala kami na humuhusay ang cultural competency ng aming mga tagapagbigay ng pangangalaga at napapabuti namin ang pangangalaga at mga outcome para sa mga Indigenous na pasyente at pamilya.
"Kami ay dedikadong magbigay ng mga pagkakataon para matututunan ang kolonisasyon at ang mga epekto nito sa kalusugan at kabutihan ng Indigenous na populasyon." - Brittany Bingham, Director of Research, Vancouver Coastal Health
Inaayos namin ang aming wika nang ito'y maging mas inklusibo at mas magalang sa mga Indigenous na pasyente at sa kanilang kultura. Kabilang dito ang pagpalit sa salitang “Aboriginal” sa Ingles at gawin itong “Indigenous” nang maiakma ito sa pandaigdigang pamantayan para sa terminolohiya at sa United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples [Pahayag ng United Nations ukol sa Mga Karapatan ng mga Katutubong Tao]. Ang pagpapabuti ng Indigenous cultural safety ay hindi limitado sa mga serbisyo lamang. Sa proseso ng aming pagkilala at pagbigay-karangalan sa mga mahahalagang salita, nakipagtulungan kami sa Tla'amin Nation para palitan ang pangalan ng dating Powell River General Hospital. Saganang ipinagkaloob ng Tla’amin Nation sa VCH ang pangalang qathet, na nangangahulugang “nakikipagtulungan”. Noong Hulyo 25, 2022 ay ibinunyag ang qathet General Hospital.