SAFER

Ang komposisyon ng illicit drug supply ay malaking problema dahil dinaragdagan nito ang panganib na makaranas ang isang indibidwal ng nakamamatay na overdose. Maliban kung ang mga tao ay inalok ng mga reguladong alternatibo, magiging mapanghamon ang tugunan nang husto ang public health emergency na ito at na makaligtas ng mga buhay. Dito sa VCH, nakikipagtulungan kami sa mga federal at provincial na pamahalaan para mag-introduce ng mga pharmaceutical na alternatibo para sa mga táong lubos na nanganganib na mag-overdose.

Maaaring isali sa mga de-resetang alternatibo ang powder, tablets, vials o patches na naglalaman ng nalalamang kalidad ng mga takdang prescription-grade opioids; ito'y iaalok sa mga setting kung saan may klinikal na pamamahala. Ang isang halimbawa ay ang SAFER -- isang VCH pilot program na inilunsad noong 2021 nang may funding mula sa Health Canada.

SAFER

SAFER

Ang SAFER, na nasa downtown eastside ng Vancouver, ay nag-aalok ng mga produktong naglalaman ng fentanyl sa mga kliyenteng gumagamit ng isang clinical model at pinalalakad ito bilang partnership ng PHS Community Services Society at ng B.C. Centre on Substance Use.

dinaragdagan nito ang paglahok sa mga mahalagang serbisyo sa health care na nagliligtas ng buhay

Bukod pa sa pagreseta ng pharmaceutical-grade opioids, ang mga kliyente ay iniuugnay rin sa treatment, harm reduction, at recovery support sa komunidad. Ang Insite ay isa pang programang nag-aalok ng mga alternatibong gamot; ang Insite ay ang unang consumption site sa North America na may superbisyon. Pinalalawak ng site na ito ang availability ng mga de-resetang produkto ng fentanyl sa ilan sa mga kliyente nito na gumagamit ng harm reduction services.

Ang mga matutuklasan mula sa pangangalaga sa kliyente sa SAFER at sa Insite ay magiging ebidensiya sa kung paano mas malawak na maiaalok ang mga alternatibong gamot sa komunidad. Habang ginagawa ang trabahong ito, maraming ibang VCH sites -- kabilang na ang community health centres at iba pang sites na pinopondohan ng VCH -- ang nag-aalok din ng de-resetang fentanyl patches sa mga kliyenteng gumagamit ng droga. Sa kabuuan ay binabawasan ng trabahong ito ang pangangailangan ng mga kliyente na i-access ang bawal na drug supply at ang panganib nila na makaranas ng overdose.

Ang mga pagbabagong ito sa mga serbisyo ay mahalagang bahagi ng pagtugon ng VCH sa illicit drug toxicity public health emergency, kasabay ng prevention, harm reduction, treatment, at recovery services. Pinahihintulutan kami nitong makipagkita sa mga kliyente habang sila'y nagrerecover, at dinaragdagan nito ang paglahok sa mga mahalagang serbisyo sa health care na nagliligtas ng buhay.

Nangangalaga sa Lahat

Nakikipagtulungan para maghatid ng pangangalagang ligtas sa kultura

Ibinabalik ng Matriarchs at ng Knowledge Keepers ang kalusugan at kabutihan ng mga Indigenous na tao

Pinalawak na serbisyo para sa psychosis para maagang matulungan ang mga kabataan