Nakikipagtulungan para maghatid ng pangangalagang ligtas sa kultura
Ang pagbigay ng mahusay na pangangalaga sa mga Indigenous na kliyente ay nagsisimula sa kultura ng pagpapakumbaba at kolaborasyon.
Ang mga Indigenous na Tao ay may mayamang kasaysayan at kultura ng medisina at mga tradisyon ng pagpapagaling. Minamahalaga at pinagsisikapan naming isama ang mga ito sa mga health system para matugunan ang mga ispesipikong pangangailangan ng bawat Nation o komunidad. Kami ay lubos na nasisiyahang makipagtulungan sa mga Indigenous na komunidad at partner organizations para makatulong na magtatag ng mas inklusibo at mas mapakipakinabang na pangangalaga.
Pinirmahan namin nang may malaking karangalan at pagpapakumbaba ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Tla’amin First Nation. Hindi bababa sa pitong Nations sa VCH region ang nagpahayag na gusto rin nila gawin ito. Ipinagdiriwang din namin ang pagpirma ng isang Letter of Understanding (LOU) sa Métis Nation of British Columbia; ito'y isang mahalagang milestone sa aming biyahe na maghatid ng distinctions-based approach sa mga serbisyo sa kalusugan para sa mga Métis sa ating rehiyon.
Ipinapahayag ng aming LOU at MOUs ang natural na pagkilos ng aming mga kasalukuyang koneksyon sa First Nations, Métis at Inuit na mga komunidad, at ang aming pangako sa reconciliation at pagtaguyod sa mga karapatan ng mga Indigenous na Tao. Ang kanilang mga nagpapatnubay na prinsipyo ay nagbibigay sa amin ng batayan; ipinapahayag nito ang mga kapwa priyoridad, at inilalarawan nito ang aming paraan para itaguyod ang health care sa bawat komunidad. Itinatatag nito ang isang hindi pabagu-bago, may ugnayan, at sadyang paraan para sa aming mga partnership. Habang nagbabago ang aming mga partnership sa mga First Nations, Métis at Inuit na komunidad na aming sinisilbihan, ang mga pagkakataon para sa makabuluhang kolaborasyon at magkasamang paggawa ng desisyon ay patuloy na magpapahintulot sa mga Indigenous na Tao na gawin ang mga kritikal na tungkulin hinggil sa disenyo at paghatid ng mga serbisyo sa kalusugan para sa kanilang mga komunidad.
"Patuloy kaming matututo mula sa First Nations partners habang pinapatnubayan nila kami sa pagtugon sa hindi pantay-pantay na pagbigay ng pangangalaga na siyang umiiral ngayon para sa maraming mga Indigenous na komunidad. Ang aming dedikasyon para dito ay bahagi ng aming patuloy na daan patungo sa reconciliation sa mga Indigenous na Tao."
– Vivian Eliopoulos, President at CEO ng Vancouver Coastal Health
Pinapalaki rin namin ang aming magkakaibang network ng mga kasosyo upang madagdagan ang mga opsyon sa pangangalagang ligtas sa kultura para sa mga kliyente na Indigenous.
Noong nakaraang taon, nagtatag kami ng pakikipagtulungan sa Sheway para tumulong na magbigay ng anti-racist, trauma-informed, pangangalaga na ligtas sa kultura para sa mga buntis na Indigenous na tao gumagamit ng mga substansya at nakatira sa Downtown Eastside ng Vancouver.
Mahigit sa dalawang-katlo ng mga kliyenteng nag-a-access ng mga serbisyo sa Sheway ay kinikilala bilang Indigenous.
Patuloy kaming makikipagtulungan sa Sheway upang magdagdag ng Indigenous sining at kultura, programang may kaalaman sa Indigenous at mga miyembro ng koponan upang mapahusay ang mga karanasan at suportang magagamit sa mga bata at pamilya.
Para sa amin, mahalaga na ang bawat miyembro ng komunidad ng Indigenous ay makaramdam ng ligtas at malugod na pagtanggap kapag humingi sila ng pangangalaga o suporta.