person with covid vaccine sticker

Habang ang naging pangunahing focus noong 2021 ay nasa pagbigay ng primary series ng COVID-19 vaccines sa mga naninirahan sa VCH na 12-taong-gulang at mas matanda, ang mga layunin ng kampanya sa 2022 ay lumawak at ang kampanya ay naging mas komplikado. Pinalawak ang eligibility para sa COVID-19 vaccines para maisama ang mga sanggol at mga bata, at nagbigay kami ng booster doses sa mga 12-taong-gulang at mas matanda.

Ang VCH ay ang may pinakamalaking COVID-19 vaccination coverage sa province:

Icon of two bandages.

Mahigit sa 90%

two-dose coverage para sa VCH residents na may iba't-ibang edad

Icon of an adult.

95%

two-dose coverage para sa lahat ng adults 18+ taong-gulang

Icon of a child.

30%

one-dose coverage para sa mga batang anim na buwang-gulang hanggang apat na taong-gulang

Pinagpatuloy din namin ang pagbigay ng rutinang childhood immunization clinics sa mga eskwelahan na itinigil noong unang taon ng pandemya. Ang karamihan ng mga bata ay kompleto na ngayon sa mga mahalagang bakuna para protektahan sila mula sa mga impeksyon at mga sakit tulad ng polio, diphtheria, beke, at rubella. 

Ang pinakamatagumpay na immunization campaign noong 2022 ay ang bakunang nagbibigay-proteksyon laban sa pagkalat ng mpox (monkeypox). Noong gitna ng Mayo, ang isang strain ng virus ay kumalat mula sa Africa, kung saan ito endemic, papunta sa mahigit sa 70 bansa (kabilang ang Canada) kung saan hindi ito endemic. Ang global outbreak na ito ay kumalat unang-una sa sekswal na pakikipagtalik, at ang karamihan ng mga kaso ay nakita sa mga lalaking nakikipagsex sa ibang mga lalaki.

 

Magbigay ng mahigit sa 20,000 doses ng mpox vaccine sa mga nanganganib; ang vaccine ay ibinigay sa loob ng tatlong-buwang panahon

Ang unang kaso ng mpox sa B.C. ay kinompirma sa VCH region noong simula ng Hunyo, at dahil malapit na ang Pride season ay nakipagpartner ang VCH Mpox Outbreak Response Team sa BC Centre for Disease Control, sa community-based organizations, at sa iba pa upang magbigay ng mahigit sa 20,000 doses ng mpox vaccine sa mga nanganganib; ang vaccine ay ibinigay sa loob ng tatlong-buwang panahon sa clinics, bars, sex-on-premise venues, beaches, parks at sa pride festival ng Vancouver.

Ang maagang paggamit ng vaccine sa mga grupong may pinakamataas na panganib, kasabay ng case at contract tracing ng Public Health team ng VCH, ay lubos na nakabawas ng transmission, nakapigil sa malubhang sakit, at naglimita ng panganib sa mas malawak na populasyon. 190 kaso lamang ang nireport sa B.C. (151 sa VCH region) at mababa lamang ang level ng virus na kumakalat. Ang local mpox outbreak ay dineklarang tapos na noong Enero 2023. Ang bakuna ay available pa rin para sa mga nanganganib na eligible na indibidwal na nais magsimula o magkompleto ng kanilang vaccine series. Dalawang dosis ang inirerekomenda para sa maximum na proteksyon.

Nangangalaga sa Lahat

Bagong supported housing sa Cambie Gardens

Pagtugon sa krisis ng illicit drug toxicity

Nakikipagtulungan para maghatid ng pangangalagang ligtas sa kultura