Pinalawak na serbisyo para sa psychosis para maagang matulungan ang mga kabataan
Noong 2022, ang Early Psychosis Intervention (EPI) Program ay pinalawak para dalhin ang pangangalaga sa tahanan para sa mga kliyente at mga pamilya. Ang specialized EPI services ay available na ngayon para sa mga kabataan mula 13 hanggang 30 taong-gulang na nagpapakita ng mga maagang palatandaan ng psychosis, sa mga komunidad ng pangangalaga sa buong Vancouver, Richmond at Coastal communities.
Ano ang psychosis?
Ang psychosis ay isang magagamot na medikal na kondisyon na umaapekto sa utak ng isang tao.
Ano ang mga palatandaan at mga sintomas ng psychosis?
Ang isang táong nakakaranas ng psychosis ay nawawalan ng kaunting reality. Ang ibig sabihin nito'y paminsan-minsan, hindi nalalaman ng isang táong may psychosis kung ano ang katotohanan at kung ano ang guni-guni lamang niya, at nababago ang kanyang mga perception, mga pag-iisip, mga paniniwala, at mga kilos.
Ang early intervention para sa psychosis ay maaaring lubos na magdagdag sa positibong outcome at maaari nitong pahusayin ang kalidad ng buhay.
Ang psychosis ay maaaring resulta ng iba't-ibang mga sanhi at iba-iba ang itsura nito sa bawat tao. Ang aming mga komprehensibong serbisyo at pangangalaga ay available sa mga táong may mga maagang sintomas at sila'y ibinibigay ng interdisciplinary teams. Ang pagkakaroon ng mga dedikadong EPI team sa mas maraming mga komunidad ay nakakatulong na bawasan ang mga hadlang kapag ina-access ang pangangalaga at mga suportang nakasentro sa tao.
Ang early intervention para sa psychosis ay maaaring lubos na magdagdag sa positibong outcome at maaari nitong pahusayin ang kalidad ng buhay. Kapag ang isang táong may psychosis ay mabilis na nakakakuha ng tulong, maaari nilang makuha muli ang kakayahang makapag-isip nang malinaw, balikan ang mga layunin, matupad ang developmental milestones, at bawasan ang social isolation, depression, at potensyal na panganib na saktan ang sarili o ang iba.
Kabilang sa EPI teams ang psychiatrists, nurses, social workers, occupational therapists, clinical counsellors, rehabilitation staff at peer support workers.
Ang teams ay nagtutulong-tulungan para magbigay ng assessments, care plans, medication management, at suporta para sa mga pasyente para magtakda ng mga layunin na nagmimintina ng isang healthy lifestyle tulad ng pagpasok sa eskwelahan at paghanap ng trabaho.
Dahil kinikilala ng EPI program na ang mga indibidwal at mga pamilya ay mga partner sa pangangalaga, ito'y nagbibigay din ng psychoeducation at isang ligtas na lugar para sa mga pamilya para maibahagi nila ang kanilang mga alalahanin, malaman ang mga sintomas ng psychosis, at talakayin ang mga bagong paraan para suportahan ang kanilang mga minamahal sa buhay.
Noong 2022, 454 na indibidwal ang tumanggap ng mga serbisyo ng EPI sa pamamagitan ng tatlong komunidad ng pangangalaga ng VCH: Vancouver, Richmond, at Coastal.