Pag-integrate ng sustainability sa health care
Ang extreme temperatures, wildfires, droughts, storms, at pagbabaha ay nagkaroon na ng masamáng epekto sa kalusugan ng tao at sa paghatid ng pangangalaga sa buong VCH.
Bagama't malinaw ang mga epekto ng climate change sa kalusugan ng tao at sa paghahatid ng pangangalaga, nalalaman din natin na ang sistema ng health care mismo ay may malaking envirionmental footprint at na ito'y may epekto rin sa climate change.
Para matugunan ang mga interseksyon at mga epektong ito, ang VCH ay siyang naging unang organisasyon sa health care sa B.C. na nag-integrate ng Planetary Health sa kanyang strategic plan at ito'y nangangakong isama ang mga prinsipyo ng planetary health sa lahat ng aming ginagawa, mula sa pamamahala ng aming mga pasilidad at sa supplies na aming ginagamit, hanggang sa paghatid ng pangangalaga.
Ang kalusugan ng planeta ay tumutukoy sa magkakaugnay na relasyon ng kalusugan ng ating planeta at ng kalusugan ng ating mga komunidad.
Ang inisyatibong ito ay ambisyoso at kolaboratibo.
Pinagsasama-sama namin ang maraming stakeholders at teams na gumagawa ng mga tunay at makabuluhang pagbabago upang suportahan ang healthy communities at isang healthy planet.
Ang kritikal na trabahong ito ay pinamumunuan ng Strategy and Innovation Office ng VCH at ng Planetary Health Collaborative na binubuo ng staff at medical staff sa Sustainable Clinical Services, Public Health, at Energy and Environmental Sustainability.
- Sinisigurado ng Sustainable Clinical Services team na naghahatid kami ng mahusay na low-carbon na pangangalaga, na kami ay gumagawa ng mga klinikal na desisyon, at na pinabubuti namin ang mga proseso para limitahan ang aming epekto sa environment.
- Ang Public Health team ay nakikipagtulungan sa ating local governments at community partners para suportahan ang pagbawas ng climate, para sa emergency planning at response, para masubaybayan ang air and water quality, at marami pang iba.
- Ang Energy and Environmental Sustainability team ay nagtratrabaho upang bawasan ang energy consumption, tubig, waste, at emission sa lahat ng sites ng VCH at sinusuportahan nito ang pagdibelop ng sustainable at climate-resilient facilities tulad ng Richmond Hospital redevelopment.
Magkasama nating mahaharap ang climate crisis, at magkasama nating magagawa ang trabaho para maghatid ng matatag at environmentally sustainable na pangangalagang nagsusuporta sa kalusugan ng mga tao at ng planeta.
Learn more about this critical work
-
Ang mabubuting kapaligiran at ang climate change
Ang mabuting kalusugan ay hindi lamang depende sa health care. Ang environmenta…
-
Paglikha ng isang environmentally sustainable at climate-resilient na VCH
Alam mo ba na ang health care system ay malaking contributor sa climate change?…
-
Naghahanap ng mga solusyon para sa environmental impact ng health care
Halos limang porsyento ng kabuuang greenhouse gas emissions ng Canada ay nangga…