Survey tungkol sa self-identification at karanasan sa lugar ng trabaho
Ang pagkilala sa lahat ng mga dimensyon ng diversity, kabilang na ang gender identity, lahi at etnisidad, sekswal na identidad, Indigenous na identidad, at kapansanan ay kritikal sa paghatid ng mahusay na pangangalaga at pagtatag ng isang magandang lugar ng trabaho.
Ang aming team ay nangangakong ipagtaguyod ang equity, diversity, at inclusion (EDI) sa buong organisasyon, at dahil dito'y nakikipagtulungan ang aming team sa staff at medical staff para itatag ang mga prinsipyo ng EDI sa mga patakaran, mga gawi, mga programa, at mga serbisyo ng VCH.
Ang aming team ay nangangakong ipagtaguyod ang equity, diversity, at inclusion (EDI) sa buong organisasyon, at dahil dito'y nakikipagtulungan ang aming team sa staff at medical staff para itatag ang mga prinsipyo ng EDI sa mga patakaran, mga gawi, mga programa, at mga serbisyo ng VCH.
Binibigyang-diin ng EDI team ang apat na pangunahing layunin:
- Magkaroon ng workforce na malawak na kumakatawan sa komunidad.
- Kilalanin at tugunan ang mga hadlang sa loob ng sistema.
- Umakit at magpanatili ng talented at diverse na workforce na marunong magtrabaho sa isang inklusibo at magalang na paraan.
- Lumikha ng mga patakaran, mga plano, mga programa, mga praktis, at mga serbisyong tumutupad sa iba't-ibang mga pangangailangan ng aming staff, medical staff, mga kliyente, at komunidad.
Ang isang mahalagang hakbang ay ang maunawaan ang kalagayan at mga pangangailangan ng aming workforce at matukoy ang mga oportunidad upang pahusayin ang aming mga lugar ng trabaho. Noong 2022 ay inilunsad ng VCH ang isang anonymous na EDI-focused self-identification at workplace experience survey para sa lahat ng staff at medical staff.
Kami ay nakipagtulungan sa Indigenous Health team para iakma ang isang trauma-informed na prosesong ligtas para sa kultura para mangolekta ng sensitibong impormasyon at mabawasan ang mga potensyal na panganib na maaaring maging sanhi ng pangongolekta ng data. Ito'y alinsunod sa anti-racism data act.
Ang mga matututunan mula sa survey ang siyang magiging batayan para makagawa kami ng isang ligtas sa kultura at inklusibong lugar ng trabaho na nagdiriwang sa aming diverse workforce sa paghatid ng pangangalaga.