Pagtatag ng isang organisasyong lumalaban sa rasismo
Ang rasismo at mga prejudice laban sa Indigenous, Black, at People of Colour ay madalas pa ring nangyayari sa sistema ng health care, at ito'y nagdudulot ng malaking pinsala. Ang lahat ng mga pasyente at mga kliyente ay may karapatang mag-access ng mga serbisyo sa kalusugan nang malaya sa rasismo at diskriminasyon.
Kinikilala namin ang pangangailangan para sa makahulugang sistemiskong pagbabago, at kami ay nangangako sa mga sustainable na mabuting pagbabagong nagbibigay-diin sa mga karapatang pantao at sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pangangalaga sa kalusugan. Noong 2022 ay naglunsad kami ng isang Anti-Racism program para gamiting batayan ang aming trabaho na isama ang Indigenous cultural safety at pagtaguyod ng karagdagang equity, diversity, at inclusion sa aming paghatid ng pangangalaga.
Layunin ng programa na:
- Kilalanin, tugunan, at hatulan ang rasismo, at lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang mga pasyente, mga kliyente, at residents ay tumatanggap ng ligtas at mahusay na health care na malaya sa rasismo at diskriminasyon.
- Lumikha ng isang kapaligiran kung saan ang staff at medical staff ay may kompiyansang magsalita laban sa rasismo at tumugon sa diskriminasyon habang ito'y nangyayari, dahil nalalaman nila na sila'y lubos na sinusuportahan ng mga pinuno.
Ang pagtatag ng aming Anti-Racism program ay nagsimula sa pagkakaroon ng engagement sessions sa aming staff at medical staff para maunawaan ang kanilang mga karanasan, matalakay ang mga hadlang sa kaligtasan, at makakuha ng input tungkol sa mga posibleng
Ang susunod na hakbang sa talakayan ay magbibigay-diin sa external outreach sa aming mga pasyente, mga kliyente, at mga partner sa komunidad.
Ang input na makukuha mula sa mga talakayan ay gagawing batayan para sa isang komprehensibong VCH Anti-Racism Action Plan tungo sa pagiging isang organisasyong lumalaban sa rasismo. Layunin namin na maunawaan kung paano sinasaksihan at nararanasan ang rasismo, kung paano naaapektohan ng rasismo ang paghatid ng serbisyo at ang access sa health care, at kung paano namin mapapabuti ang kaligtasan at kompiyansa sa pagreport at sa pagkakaroon ng pananagutan. Ikinalulugod naming ibahagi ang aming mga mabubuting pagbabago bilang resulta ng aming mga kilos sa mga darating na taon.