Group of people standing next to qathet General Hospital sign.

Sa taóng ito ay naglunsad kami ng isang inisyatibo kung saan tinatanong namin ang lahat ng mga pasyenteng nagpupunta sa Vancouver General Hospital at sa 50 priority clinics para sa acute care at inpatient services kung nais nilang mag-self-identify bilang Indigenous habang sila'y nagrerehistro. Gamit ang aming bagong CST Cerner digital patient records system, madali nang magagawa ang pag-track ng self-identification; ito'y isang proseso na diskreto, boluntaryo, at inklusibo. Dahil ang impormasyon na ito ay kasama na sa record ng pasyente, mas makapagbibigay ang aming mga team ng pangangalagang ligtas sa kultura at ng suporta bilang bahagi ng kanilang individual care plan.

Dahil sa pagdagdag ng Indigenous self-identification sa rekord ng pasyente, kasama ng staff cultural safety training, mas nalalaman na ngayon kung ano ang mga pangangailangan sa kalusugan ng mga Indigenous na tao.

Ang mga referral sa aming Indigenous Patient Experience team ay mahigit doble ng sa nakaraang ilang buwan noong 2022, at nakita namin na dumami ang referrals sa Elders para sa kultural na suporta.

Patuloy naming pinalalawak ang aming Indigenous Patient Experience team; naipakita ng early data na ang kanilang trabaho ay nagbunga na ng pagbawas sa mga reklamo.

  • Nag-hire ng karagdagang Indigenous Patient Navigators (IPNs) at nagsimula ng isang full-time position para sa isang Elders in Residence coordinator.
  • Ang IPNs ay nagsimula nang tumulong sa mga pasyente sa urban hospitals at pinalawak na namin ang mga serbisyo para isama ang Bella Bella, Bella Coola, Sechelt/shíshálh at ang qathet region.
  • Ang IPNs na nagtratrabaho sa urban areas ay nagdagdag sa kanilang mga oras; sila'y available pitong araw bawat linggo.
  • Nag-aambag ang IPNs sa mga pagsisikap ng dalawang Indigenous Patient Quality Liaisons na sumali sa VCH noong 2021 para matugunan ang mga reklamo ng mga Indigenous na pasyente sa isang ligtas sa kultura, equitable, at restorative na paraan.

Mga Haligi ng VCH

Survey tungkol sa self-identification at karanasan sa lugar ng trabaho

Pagtatag ng isang organisasyong lumalaban sa rasismo

Pag-integrate ng sustainability sa health care